Martes, Setyembre 20, 2016

Fashion Blog



Janine's Invasion 💖

Ang lahat ng tao ay kinahihiligan ang Fashion. Ibat-ibang desinyo ang sinusuot para

maipakita sa mga tao na naayon sila sa mga nakabagong uso. Na impluwenshahan tayo sa


mga Western People, kaya ganito ang mga nakikita nating uri ng mga suot ng ating mga

kababayan. Maganda tingnan at ayon nga sa sinsabi nila para ka dawng "CoolKid/ Richkid"

pag ganito ang mga klase na iyong susuotin. Kaya masyadong nawawala na ang mga

maka- Pilipinong uri ng suot dahil mas lumawak na ang impluwensya ng mga dayuhan.


Off Shoulder Blouse
Isa sa sa mga makabagong uso sa panahon ngayon ay ang pagsusuot ng off shoulder na 

blouse. Sinasabi ng nakararami na nakakaganda daw sa isang babae ang pasgsusuot ng 

ganitong uri ng kasuotan sapagkat pinapakita daw nito ang ka puti at kutis ng iyong balat. 

Halos lahat ng mga kababaihan sa panahon ngayon ay nagkakandiling maka bili ng 

ganitong kasuotan, sapagkat gusto nilang maki uso at ayaw nilang maiwan sa mga 

makabagong uso. Kaya halos araw-araw makikita mo kahit saan ang mga kababaihan na 

nagsusuot ng ganito, dahil gusto nilang may maipakitang kagandahan sa lahat ng tao.



Gown
Isa sa kinagigiliwang isuot ng mga kababaihan sa panahon ngayon ay gown. Ito ay 

madalas  isuot sa mga Ball Night, J's Prom at iba pang uri ng okasyon. Ang pagsusuot ng 

gown ang nakapagpapaganda sa kalooban ng isang babae dahil sa bawat sandali na 

nakasuot sila ng ganito ay nakakaramdam sila ng kagandahan. Napakalaking tulong din ng 

kasuotang ito dahil ito ang nagpapa tingkad sa isang tao dahil sa uri ng kagandahan nito. 

Maaari ding makita ito sa mga telebisyon o mga palabas na may tema sa mga kasuotan. 

Marami naring mga tao ngayon ang may hilig sa pananahi at ginagawang matingkad at 

mala Diyosa upang ma-ibili at tangkilikin ng tao. 







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento